Events

Tiongseians para sa Alinaga 2022

September 14, 2022

Isinulat ni: G. Bench T. Febra, Guro sa Filipino



“Ang ningning ay nakasisilaw sa paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.” - Emilio Jacinto


Alinaga, isang salitang Ilokano na nangangahulugang “ningning ng liwanag”, ang isa sa mga tumatak na salita mula sa isinagawang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang “Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha”. Sinisimbolo nito ang pagtataguyod at pagpapahalaga sa mga wika ng Pilipinas na siyang daluyan ng karunungan at kakayahan sa larangan ng saliksik, kultura, agham, at sipnayan. Ito rin ay nagsisilbing paalala na muling gisingin ang pagkamakabayan at pagmamahal sa wika.


Kaugnay ng pagsisimula ng klase sa paaralang Tiong Se ay inilatag sa buong buwan ng Agosto ang iba’t ibang gawain simula sa kagawaran ng unang pagkatuto, mababa at mataas na antas na pinangunahan ng Kagawaran ng Filipino.


Sa Kinder 2 ay lumikha ng “Paper Mosaic ng Watawat ng Pilipinas” gamit ang mga makukulay na papel. Sina Sittie Ayessa Menor, Julian Salazar, at Anica Joy Yu ang mga nagwagi.


Sa Una at Ikalawang Baitang, ipinakita ang pagiging malikhain sa “Paligsahan sa Pagkukulay” ng parol, vinta, maskara at sarimanok. Ang mga nagwagi sa Unang Baitang ay sina Christian Gabrielle Yu, Brittannie Louise Thea, Rachael Ann Sy at sa Ikalawang Baitang ay sina Macy Zydee Chua, Erstine Sofia Chua, at Jingwen Xie. Kasama rin ang binuong sining sa “Paggawa ng Bookmark” ayon sa inilunsad na tema ng Buwan ng Wika. Ang mga nagwagi sa Unang Baitang ay sina Yu Fei Davide, Christian Gabrielle Yu, Hilary Michelle Ting at sa Ikalawang Baitang ay sina Macy Zydee Chua, Erstine Sofia Chua, at Muhammad Esmael Candidato.


Sa Ikatlo hanggang Ikaanim na Baitang, may ilang naging batang tagapagsalaysay ng akdang “Sandosenang Sapatos” na isinulat ni Luis Gatmaitan sa “Masining na Pagkukuwento”. Ang nagkamit ng karangalan sa timpalak na ito ay si Mohammadsaleh Hadji Salic mula sa Ikalimang Baitang.


Samantala, sa Ikapito hanggang Ikalabindalawang Baitang ay ipinamalas ang pagkamalikhain sa paggawa ng mga obra sa “Pagguhit ng Poster” batay sa kasalukuyang tema. Sa unang kategorya mula sa Ikapito at Ikawalong Baitang, ang mga nagwagi ay sina Cindy Eunice Miguel, Sandy Yan, at Iya Samantha Guevarra at sa ikalawang kategorya mula sa Ikasiyam hanggang Ikalabindalawang Baitang ay sina Pierre Matthew Sola, Jolin Sy, at Eunice Lam.


Nagkaroon din sila ng “Wikakul: Pagbuo ng Infographics” na naglalaman ng piling salita galing sa mga pangunahing wika ng bansa. Sa unang kategorya mula sa Ikapito at Ikawalong Baitang, ang mga nagwagi ay sina Cindy Eunice Miguel, Zhastine Kraig Eito, Wei Wei Chiu, at Lance Zyler Chua at sa ikalawang kategorya mula sa Ikasiyam hanggang Ikalabindalawang Baitang ay sina Eunice Lam, Niña Lourine Simbulan, at Venice Manmano.


Gayundin ang galing sa pakikipagtalastasan ukol sa wika, panitikan, kultura at napapanahong isyung panlipunan sa “Dagliang Talumpati” kung saan ang mga nagtagumpay ay sina River Castro, Mark Bricks Gamba at Venice Manmano.


Dagdag pa ang pagpapakita ng galing at talino ng mga Tiongseians sa isinagawang “Tagisan ng Talino” sa pagsagot ng mga katanungan tungkol sa wika at panitikan. Idinaos ang eliminasyon ng Ikatlo hanggang Ikaanim na Baitang sa oras ng klase sa Filipino at ang finals ng Ikapito hanggang Ikasampung na ginanap noong ika-17 ng Agosto sa Telengtan Hall.


Ang mga nagkamit ng karangalan sa mababang antas ay sina: Eldridge Railey See, Ersheybie Mae Uy, Kian James Abraham, Jingwen Wang, Mohammed Arief Bari, Liam Vikthor Cue sa Ikatlong Baitang; Rafaela Marie Sy, Michelle Anne Victoria, Kate Lopez sa Ikaapat na Baitang; Mohammadsaleh Hadji Salic, Hassan Al Mahdi Abdul Jalil, Emmanuel Chiu, Hassan Al-Muiz Abdul Jalil sa Ikalimang Baitang; at Rainie Shi, Matteo Liam Ire Infante, Shannel Tan Angel May Ong sa Ikaanim na Baitang. Ang mga nagwagi sa mataas na antas ay sina River Castro, Cindy Eunice Miguel at Zhastine Kraig Eito.


Bilang pagsasara ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wika nang sumapit ang ika-31 ng Agosto, masayang nagsalo-salo ang mga mag-aaral sa kanilang inihandang pagkaing Pilipino. Ang mga mag-aaral na nasa paaralan ay sama-samang naghanda sa Telengtan Hall samantalang nasa Google Meet naman ang mga mag-aaral na nasa online sa oras ng kanilang Recess.


Bukod dito ay nakiisa ang lahat ng mag-aaral gayundin ang buong kaguruan sa paaralang Tiong Se sa pagsusuot ng katutubo at tradisyonal na kasuotang Pilipino. Binigyang pagkilala ang gurong si G. Ricky Aguilar at ang mag-aaral mula sa Kinder 2 na si Anica Joy Yu sa paggawad ng “Natatanging Kasuotan”.


Sa ganap na 2:30-4:00 ng hapon sa Telengtan Hall, dumalo ang lahat sa “Pagsasarang Programa”. Dito na inihayag ang mga mag-aaral na lumahok, iginawad ang sertipiko ng pagkilala sa mga nagwagi at nagkaroon ng palarong tanong at sagot para sa mga mag-aaral na dumalo sa Zoom. Ipinakita rin ang isang natatanging bilang sa pag-awit ni G. Niño Viscaya pati ang maikling pananalita ng Tagapag-ugnay sa Filipino na si Bb. Ecila Mendoza at ng Punong-guro na si Gng. Margarita Gutierrez


Ang lahat ng gawain at patimpalak na nabanggit ay mabusising pinagplanuhan at pinagsikapang maging matagumpay sa kabila ng mga limitasyon at mga pagbabago dulot ng kinahaharap na pandemya gayundin ang pagsaalang-alang sa bagong moda ng pagtuturo at pagkatuto sa paraang HyFlex.


Share this article with your friends
Achievements Take me there
Alumni Take me there

Tiong Se Academy
中西学院

Tiong Se Academy 中西学院 formerly known as Anglo-Chinese School and Philippine Tiong Se Academy, is a non-profit, non-sectarian private Chinese school. The school turned the first page of formal Chinese education in the Philippines, earning the recognition of being the country's pioneer and oldest Chinese school.

Follow us on:
Twitter Facebook
School Directory
Faculties
Careers
Affiliation
Alumni